Showing posts with label filipino. Show all posts
Showing posts with label filipino. Show all posts

Friday, January 10, 2014

Where I Come From

I've been working on this paper for about a week. Drank lots of frappe for this one. Cheers to my first paper in Filipino! Our professor told us this is the easiest one to work on so we might as well grab the chance to get an A. Talk about understatements. :/

      What he asked for was not easy to give. We had to dig deep! No adjectives for us, too. We had to make the readers feel what we really what to convey. Images have to be clear and sharp. Plus, it was not easy writing in Filipino. I got so used in writing stuff in English. Everything must be implied, never stated. We must also fill 4-5 pages. It must be completely filled with words with Courier New, Size 10 and 1.5 spacing. Who's to find that simple?! Oh well. Here's to another first! 

PS. This is a reflection paper about my hometown, Isabel, Leyte. Feel free to breeze through the essay! It's kinda long so please bear with me. :)

Ang Mundo sa Aking Likuran

“Sa anong probinsiya ka ba nanggaling?”

      Ito ang katanungang laging bumubungad sa akin tuwing nakikipagkilala. Kay simple naman, ‘di ba? Isang sagot lang naman ang hinihingi. Ewan ko ba’t nahihirapan akong ipaliwanag kung saan ba talaga ako nagmula.

      Tubong Legazpi ako. Gayundin ang buong angkan ko. Kinalakhan kong natatanaw mula sa malawak na asotea ni Lola ang Bulkang Mayon. Alalang-alala ko pa ang halimuyak ng mga bulaklak na itinanim ni Lola sa malalalim na paso’t kung paano ko diligan ang mga ito pagsapit ng dapit-hapon. Iyon nga ang inaatupag ko nang hinayo niya ako sa loob ng bahay, isang bungalow napapalibutan ng matataas na bakod at pader ng kapitbahay.

      Hindi ko mawari kung bakit biglang tumahimik ang kapaligiran. Tila lumakas bigla ang huni ng mga ibong nagpapalipas ng oras sa pasamano. Malayo ang tingin ni Lola. Tulala. Nakaupo siya sa paborito niyang silya. May mga luhang namumuo sa gilid ng kanyang mata ngunit wala ni isang gumihit sa kanyang pisngi. Si Lolo na ang nagsabing, “Kukunin ka ng mommy mo. Doon ka na raw sa Leyte mag-aaral ngayong pasukan.”

      Nangungupahan lang noon ang aming pamilya sa isang bahay na kahoy na madaraan ng halos lahat ng dyip. Maliit. Masikip. Hindi lang nga kami ang nakatira sa bahay na iyon. Palibhasa’y naitalaga ang aking ama sa Batangas, kaming mag-iina lamang ang naiiwan. Kwento ng nanay ko, kung minsan biglang na lamang hihina ang pinapatugtog na radyo.  May isang beses nga nabigla na lamang siya nang makita niya akong gumagapang na palabas ng pinto. Inilagay na niya kasi ako noon sa aking kunan, himbing na himbing na natutulog.

      Nagbawas ng mga manggagawa ang kumpanyang pinapasukan ni Ama noon. Buti na nga lang at mabilis din siyang nakahanap ng kapalit. Iyon nga lang, sa isang bayan sa Leyte raw matatagpuan ang kumpanya. Walang sinayang na panahon ang aming mag-anak. Pagkalipas lang ng ilang araw, handa na silang iwan ang Legazping kuha ang kiliti nila para sa isang bayang pangalan lang ang alam nila. Oo, sila lang. Iniwan muna nila ako sa pangangala ng aking lola habang hindi pa nila nasisiguro ang kalidad ng pamumuhay doon.

      Wala sa mapa ang Isabel. Kapag may nakipagkikilala nga’t ibinanggit ko ito, ang karaniwang kasunod na tanong nila’y, “Ha? Saan ‘yun?”  Kung hindi ko man ito nasilayan, ganito rin yata ang magiging reaksiyon ko. Sa bayang ito, kaliwa’t kanan bundok ang makikita mo. Kung di man bundok, ang karagatan naman ang bubungad sa mga mata mo.  Sa mura kong isipan, hindi ko mawari kung bakit dito na kami ipinadpad ng kapalaran.

Grade Two ako nang tuluyan kong iwan ang buhay-lungsod. Halo-halo ang nararamdaman ko noon. May ngiting naiiwan sa aking mga labi sa tuwing naiisip kong pagkakataon na rin itong magkasama-sama kami ng aming pamilya. Tatlong taon din akong nasa pangangalaga ng aking lolo’t lola. Iba siguro ang pakiramdam nang nakikita ang aking mga magulang sa bawat paggising at hindi lamang naririnig nang ilang minuto sa telepono dahil mahal nga ang bayad sa long-distance calls. Sa kabilang banda, bumibigat ang pakiramdam ko’t natutulala. Iba na itong papasukan ko. Wala rito ang naglalakihang gusaling nakasanayan ko. Walang maiingay na pasaherong nagmamadali’t nakikipag-aagawan sa mga dyip at van papuntang trabaho’t eskuwela. Nasaan na ang mga ilaw-trapiko? Bakit wala pa tayong nadaraanang mall? Kay kitid ng mga lansangan! Pauntul-untol pa ang takbo ng sasakyang mukhang nasobrahan na sa air freshener.  

Halos abutin din ng isang araw ang biyahe mula Legazpi papuntang Isabel. Kailangang tumawid pa ng dagat at tumahak ng daang tila walang hanggan para makarating sa liblib na bayang iyon. Buti nga’t naipatayo ang paliparan sa Tacloban. Mulang Maynila, tatlumpung minuto hanggang isang oras na lang, nasa Visayas ka na. ‘Yun nga lang, apat na oras ka pang nakaupo sa loob ng masikip at, kung mamalasin pa, mainit na van. Kahit ganoon pa man, mas kanais-nais na rin ito kaysa sa pagtiis ng pagkahilo sa mga lansangang gumagapang pataas ng bundok.
Hindi pa pala ito ang Isabel na kagigisnan ko.

Natapos din ang prusisyon. Iminulat ko ang aking mga matang pilit kong ipinikit sa pag-aakalang panaginip lamang ang aking paglipat. Wala pa rin. Inihinto na ng drayber ang kotse. Laking gulat ko nang makita ko ang isang napakataas na bakod na bato at malapad na pintuang bakal. Sinalubong pa kami ng ilang guwardiyang suot ang kanilang unipormeng walang bahid ng mantsa. Tiningnan ko ang mundo sa likod ng sasakyan. Ganoon pa rin. Puno ng berdeng kapaligiran. Ito pala ang Isabel ko, isang bahaging naiiba mula sa Isabel na pinaniwalaa’t una kong nakilala.

Tila nasa gitna ng kawalan ang aking Isabel. Isang sibilisasyong biglang sumulpot upang punan ang espasyo sa isang liblib na pook. Ayon sa karamihan, ito ang distrito ng mapapalad. Pili lamang ang naninirahan dito. Ilang porsyento lamang ng mga manggagawa mula sa dalawang kumpanya, PASAR (Philippine Associated Smelting and Refining Corporation) at PHILPHOS (Philippine Phosphate Corporation), ang umuukopa ng distritong ito.

Sa Isabel ko, bantay-sarado ang mga residenteng halos hindi mo masisilayan sa ilaw ng umaga. Bawat oras, sa bawat sulok, mahahalintulad sa uwak ang mga guwardiyang nakaantabay sa kung anumang kaguluhang mapuna. Hindi rin basta-bastang nakapapasok sa Isabel ko ang hindi tagaroon. Malilinis at halos walang tao ang mga kalye tuwing umaga. Nababasag lamang ang nakabibinging katahimikan pagsapit ng hapon. Nagsisilabasan na ang mga batang naglalaro ng patintero’t habulan o kaya nama’y lunan ng sari-sariling bisikletang nililibot ang buong distrito. Sa oras na ring ito, rumarampa na rin ang mga aso kasama ang sari-sariling among halatang nagpapapayat. Pare-pareho ang disenyo ng mga bungalow nagkakaiba lamang sa laki ng bahay at kulay ng bubong. Mas malaki ang bahay, mas mataas ang posisyon sa kumpanyang pinapasukan ng ama o ina. Pula lamang o berde ang mga bubong na nagsisilbi na ring palatandaan kung saang kumpanya konektado ang mga naninirahan sa nagsabing bahay.

Tila nababalot ng luntian ang buong distrito. May mga espasyong ginawang harding punung-puno ng iba’t-ibang uri ng bulaklak. Maliit at malalaking orkidyas na nakakabit sa punong iba’t-iba ang hugis at taas. Pula, dilaw, puting santang kadalasang nagsisilbi ring bakod na nakapalibot sa bawat tirahan kahit hindi naman mahilig sa pagtatanim ang mga namamalagi dito. Gumamelang maninipis at makakapal na malagong tumutubo kahit madalas mang makaligtaan. Nagmimistulang prutasan ang distrito dahil sa mga punong hitik na hitik na sa bunga. Matatakam ang sinumang makakita ng mga manggang kay laki’t dilaw na dilaw. Tuwing tag-araw, nagsusulputan ang mapupulang makopang nahuhulog na lamang dahil hindi lahat napipitas. Dito rin ako unang nakakita ng bayabas sinlalaki na ng mga pomelo! Minsan naman, sari-saring uri ng gulay ang makikita sa mga hardin. Hindi mawawala ang malunggay na tumutubo lang maski saan. Nariyan din ang papayang hindi nauubusan ng bunga kahit mumunti at hindi man gaanong kabigat ang bawat isa nito. Hindi biro ang maliliit at napakapulang siling halos matatagpuan sa bawat kanto.

Sinasabing mayaman ang distrito kong iyon. Paano ba naman, sadyang hindi makaliligtaan ang mga makikinang na kotseng makikitang nakagarehe. Nariyan din ang mga katulong na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa bakuran, naglalaba gamit ang kamay o ang mamahaling washing machine pinagbiling pagkaingatan o naghahanda’t naghahatid ng baon para sa kanilang among nasa trabaho sa pamamagitan ng mga bus na kada oras na nililibot ang buong pook.

Hindi ko na Isabel ang mga kalsadang puno ng kabahayang iba-iba ang laki, lawak, hugis at kulay. Mula umaga hanggang gabi, nambubulahaw ang malakas na tunog na radyo ng kapitbahay o ang mga halakhak ng mga nanay na nagtsitsimisan. Sa Isabel na ito, bawat kanto, may tindahang hindi nauubusan ng magkakabarkadang nakatambay. Dito, mga traysikel ang nag-uunahan at sumasakop ng mga kalye’t eskinita. Kakaiba ang mga ito dahil pito, hindi pa kabilang ang namamasada, ang maaring magkasya rito. Hindi uso ang dyip sa bahaging ito ng Pilipinas. Sa Isabel na ito, mga bus at multicab na kasinkulay ng mga hari ng Maynila ang pangunahing paraan ng paglalakbay. Sa Isabel na ito, maraming munti ang makikitang palabuy-laboy sa kalye buong araw. Walang mga sapin sa paa. Gula-gulanit ang saplot. Sa halip na pumasok sa eskuwela, nariyan sila nakaantabay sa tabi-tabi. Maya-maya, mararamdaman mo na lang na may tatapik sa iyo, nanghihingi ng kung anumang puwedeng makain. Hindi ko na Isabel ang bahaging ito. Hindi ko na Isabel ang mundong nasa ibayo ng matatayog na pader na nakapalibot sa aming distrito.

Maliit lang ang Isabel ko. Pitong kalye lang ang matatagpuan rito. Hango sa mga puno’t halamang kadalasang nakikita rito ang bawat isa. Tulip. Balete. Acacia. Golden Shower. Gayunpaman, matatagalan ka ring ikutin ang distrito dahil sa bawat liko, sa bawat kanto, may makakasulubong kang pamilyar na mukha. Siyempre, hindi mawawala ang kamustahan. Kung minsan pa nga, yayain ka pang saluhan sila sa mainit-init pang pandesal at pansit.

Sa mga tubong-Isabel, likas na ang paggamit ng naglalakihang boses sa araw-araw na pakikipag-usap. Mabubulabog ang sinumang hindi sanay sa gawing ito ng mga tagaroon. Aakalain mong nagtatalo’t hindi nagkakaintindihan ang magkumareng nagtsitsismisan sa karatig-bahay. Madiin din kasi sila sa pagsasalita. Ilang saglit lang ang lilipas at maririnig mo rin ang kanilang hagikhik.  Iyon pala, nagkukumustahan lang ang mga babaeng matagal nang hindi nakapag-usap.

Nabibilang lang ang mga pamilyang napalad na mapiling maging bahagi ng komunidad na ito. Kaya naman malalapit ang magkakapitbahay maliban na lang kung may pinagdaanang alitan tungkol sa mga anak o sa lupa. Karaniwang kaklase ko ang anak ng katrabaho ng kapitbahay namin. Dala rin ng mga koneksyon, napakabilis kumalat ng balita, mabuti man ito o ang kabaliktaran. Nakakatawang isiping nauna pa ang katrabaho ng tatay kong makaalam na pumasa ako’t nakatanggap ng scholarship sa Ateneo kaysa sa akin. Kapag nga bago ang kotseng mo, asahan mong kalat na ito kinabukasan kahit hindi mo pa man ito naimamaneho.

Kung gaano kabilis makibalita, ganoon din namang kabilis mapag-usapa’t mahusgahan. Madaling maging isyu sa Isabel ko. Ikaw na ang paksa ng tsismisan kapag nakitang lumulobo na ang tiyan mo’t hindi ka pa kasal. Nakikita kang kasama ang isang binatang may itsura’t nagmumula sa isang sikat na pamilya? Asahan mong napansin ka na’t laman ng usap-usapan. Mas mahirap kapag bagong lipat ka. Ganoon nga ang pakiramdam ko noong una kong pasok sa eskuwela. Natapos pa lang ang unang kapat na markahan at ipinaskil na rin ng mga guro ang listahan ng honor students. Hindi ko namang inaasahang pangalan ko ang maging una sa talaan. Oo, ikinagulat ito ng lahat dahil natalo raw ng isang transferee ang batang tinaguriang walang kapantay at laging nangunguna sa klase.

Simula noon, ramdam ko ang masugid na pagmamasid ng lahat sa akin na tila ba hindi na ako puwedeng magkamali. Bumaba lang nga ang mga marka ko, may maririnig na akong haka-haka kung bakit ito nangyari. Nagdadalaga na raw kasi. Baka raw may kasintahan na’t naaabala na. Baka raw nagrerebelde na’t gusto nang magpalit ng katauhan. Baka raw nawala na ang interes at talino at nagsawa na rin sa pagiging ulirang mag-aaral.

Sa Isabel ko rin matatagpuan ang sinasabing isa sa pinakamagaling na paaralan sa lalawigan. Hindi puwede ang “Puwede na.” Dito, matirang matibay. Patunayan mong kaya mo dahil kung hindi, magsimula ka nang maghanap ng malilipatan mo.

Tulad ng Isabel ko, madaling maisaulo ang lahat ng pumapasok sa aming paaralan. Sa haba ng oras na magkakasama, lubusan kong nakilala ang mga taong kasabay ko na ring lumaki’t nangarap. Paano ba namang hindi mangyayari iyon? Simula kindergarten hanggang hayskul, sila ang mga mukhang sama-sama na.

Kung may maituturing katangi-tangi ang Isabel, kabilang nga siguro rito ang dalawang kumpanyang nagpapaunlad ng ekonomiya ng bayang ito. Lingid sa kaalaman ng iba, kabilang ang PASAR at PHILPHOS sa mga proyektong pinangasiwaan ng pamahalaang Marcos. Dalawa lamang ito sa mga proyektong isinulong tungo sa industriyalisasyon ng bansa. Umabot ang sandaling hindi na ito kayang panagutan ng pamahalaan kaya ipinagbili ang mga ito sa pribadong sektor. Copper cathodes ang pangunahing produkto ng PASAR habang pataba naman ang sa PHILPHOS.

Nasa dulo ng aking Isabel ang dalawang kumpanyang ito. Iisipin mong nasa Gitnang Silangan ka kapag nakapasok ka sa loob ng korporasyon. Naging gris na ang mga higanteng plantang kulay puti dahil sa alikabok. Hindi tulad ng bahaging residensyal, kongkreto’t halos walong damo ang nasa kaliwa’t kanan mo. Nangingilaw na ang mga punong nakatanim sa palibot ng mga ito. Masakit sa ilong ang binubugang usok. Maalinsangan kahit kapag umuulan sa pagawaan. Dahil din sa dalawang kumpanya, hindi uso ang maligo sa malakas na ulan. May malaking posibilidad kasing acid rain na ang bawat pag-ulan. Kapag nabasa nga ng ulan, iminumungkahing maligo ka’t magbanlaw nang lubusan kung ayaw mong mangati.

Ito nga ang naging mundo ko sa loob ng walong taon. Simple. Komplikado. May lugar nga ngunit mukha pa ring wala sa lugar. Bayan ko, ngunit hindi ko talagang masasabing akin.

Noong bata pa ako’t tanging kaligayan ko ang linggu-linggong pamamasyal sa mall,  nayayamot akong hintayin ang araw na lilisanin kong muli ang Isabel. Sabik akong makitang muli ang Legazping kinagisnan, marinig ang ingay mg mga sasakyang umaarangkada mula umaga hanggang gabi, makagisnan ang mga mall na naghahandog ng lahat ng layaw sa mundo.

Nasa kolehiyo na ako ngayon at nag-aaral sa isa sa nangungunang pamantasan ng bansa. Sa wakas, natunton muli ng dalawang paa ang lungsod. Walang mga bundok na natatanaw kasama ng mga alapaap. Nagsusulputan nga sa bawat kanto ang mga higanteng gusali. Kapalit ng mga bituing kumikislap ang karagatan ng gintong ilaw walang hanggan.

Oo, nakabalik na ako sa lungsod na aking kinagisnan ngunit bakit hindi ko mapilitang lumingon at tanawin ang mundong nasa aking likuran?

Wednesday, July 31, 2013

That First Major Analysis Paper :)

I figured to post this once more.  Here's my analysis for "Lilies of Yesterday" by Filipino author Lilia Pablo Amansec. :) It's a really good read plus it's short. Google it and give it some time. It's worth the trouble, I swear.

Here's to one sleepless night! Cheers! :)

Lilies of Yesterday: An Analysis
            Garnering second prize in the 1958 Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, this short story written by Lilia Pablo Amansec tells of a young girl who is blossoming out of adolescence and slowly budding to adulthood. It speaks about the protagonist’s idea of love, beauty and other matters growing teens bother to think about.
            It all starts one morning of the protagonist’s twelfth birthday. While still in bed, she already offers the readers a glimpse of her mind as she shares her idea of what love is. She would rather choose to be alone than let others see and know what she feels. The conflict begins when she goes down to the dining room where she sees Mercedes and Maria, her sister and aunt, respectively. The two kept on fussing over the way she looks and dresses. They convince her to start using make-up as she is already thirteen to which she immediately corrects, saying she has just turned a year younger than what they had said. She refuses to be turned ladylike and become like her two elder relatives. However, deep inside, she also wants to be like them. Hard though she might deny, she also dreams of using colors to make herself different and more desirable (“Someday, however, she would try it… so that another person, different, indifferent, but desirable, appeared in the mirror…” paragraph 12). She fantasizes of becoming like her teacher Miss Lopez as well. As she looked in her mirror, she didn’t see herself. Instead, she visualizes mentor but with a voice that is like her own. By this, she realizes that she could be herself but she could also be someone else she opts to be, too (“… I am myself, but I can be Miss Lopez who is not herself but another one…” paragraph 16). The readers will later learn how much adulthood poses to be such an interest for the protagonist. It is also interesting to note how she feels about being young. (“How sad it was to be young!” paragraph 19)  
            On the contrary, she is also afraid of being grown up. She can no longer play with her dolls which now only belong to a glass case (paragraph 19). She was horrified when she saw a pimple growing on her unperturbed complexion (“It was also a mournful discovery…” paragraph 24). Still, the protagonist cannot bring herself to talk about kissing and all things about love for she believes that they must be kept within each one’s own context (paragraph 34). Lily, our little protagonist, cannot even face Carlito, her classmate, alone as she sees him as a “handsome devil” (paragraph 45).
            The story then reaches its climax when she met with Lulu and her other playmates. They were discussing Lily’s party when suddenly they drifted their conversation to intimate stuff for adolescents like kissing and sex connoted by Lulu’s words in paragraph 34 (“Do you know, there’s a couple who board at our place, and my sister and I heard them one night. . .”) There is a connotation that Lily already knows something about this but she is ashamed of what she knows, too (“… for ah yes, she too was wise,” paragraph 39; ‘ “Yes,” she stammered, aware of her wisdom… her words stumbled brokenly, defensively’ paragraph 40)  She told them what she knew but afterwards, she quickly ran away back home where she placed herself in solitude. In her moments alone, she fell asleep and dreamt of chaos. This implies what she feels about growing up, too. There will be a lot of confusion even in falling in love as represented by Carlito. The dream also implied what she feels about love. She hates the idea of falling for someone but helplessly she yearns for it, too. (“As she looks at him hatred leaped and flamed in her eyes, but this soon gave way to hunger like a worm gnawing in the pit of her stomach…” paragraph 48) In addition to that, she calls on God for help in her dream which implies her religious nature.
            Upon waking up, she went to confession and talked about her dream to the priest. She served her penance by doing the Way of the Cross which was long. However, as she was at the end, a woman went near her and pointed out a red stain in her dress. This implies that she was having her menarche.             However, she denoted this as something sinful as she referred it in paragraph 57, “The sin! The blood of her tears!” This line was perhaps included in the story to revel in the fact that it is when we are already grown up we lose our innocence, thus, we are much prone to committing wrongdoing.  The story ended with her trying to suppress the pain of the reality that she is already growing up.
            The author has set her tale in Manila circa 1940s-50s, a time when American influence was profound in the society. Names like Carlito, Pinang and Maria indicate Filipino but Lily, Lulu and Mercedes imply something more American. It can also be noted that there were jeepneys in the area that serve as the main mode of transportation for commuters (paragraph 27). Mahjong was also mentioned. For all we know, they are very common in the Philippines. Finally, we can be sure that this is in Manila as Manila is cited in paragraph 30.
            The author uses the third person limited omniscient point of view (POV) as we, the readers, only know for sure the thoughts and feelings of the protagonist. However, there was a part in paragraph 19 where it deviates from this POV. Suddenly, it shifts to first person POV. This might be because the author wanted to emphasize the growth of the narrator. Here, the audience will feel that Lily is growing up though she might not want the change.
Our character, Lily, is a complex character as she is developed in the story with two sides: one who looks forward to growing up and the other as one who dreads it. Finally, she finally chooses the latter side as the story ends with her being “afraid of her own voice.” (paragraph 59) The title of the story, Lilies of Yesterday, pertains to her and her childhood which is now slowly passing. She has a wild imagination showed by her thoughts revealed to us by the narrator. She can also be considered as popular when we learn in paragraph 33 that a lot of children left their game just to praise Lily with her party. It can also be implied that she comes from a rich family for at that time only the rich can afford to have parties and be sent to a private girls’ school. Also, she often received dolls as gifts from her father who has gone to different countries. Not all girls from middle-class families can afford those, too. In addition to that, Lily struggles with an internal conflict as she faces adolescence, a stage wherein she finally bids goodbye to childhood and enters a new phase of life.
Mercedes and Maria represent the change Lily wanted to avoid. They were all grown up, used to wearing make-up and high heels and loved the attention from boys. They could be gossipy, too, as indicated in paragraph 24 (“… they were now animatedly discussing Madame Butterfly’s new hairdo… and Mr. Sneezer’s black mustache…”) Lulu, her playmate, was also what she was scared of becoming. Slowly, her playmate has accepted the change and has begun talking of things they, Lulu and her other friends, have never once talked of before. This made her afraid that she ran away from them. This also implies how much she wanted to run away from growing up.
The story revolves around the theme, “Change is inevitable.” Like Lily, we might dread having differences in our usual everyday life. We might not want to get out of what we are used to having but sooner or later, we have to face the reality that those things we are constantly avoiding are bound to happen. We could not just confine ourselves to our own comfort zones. Reality will strike us. Change will reach us. However fated change might seem to be, it doesn’t mean we would let it define us. 
Also, the story tackles ideas about love. The author connotes when she wrote “She could not know for sure, but this she was sure of: that people had a talent of loving her on her birthdays. As if age made her more lovable!” (paragraph 13) that love shouldn’t be timely. Love is also delicate and intimate, something we just do not talk about with others. It would be better to have your emotions by yourself that share it with someone else (“… she would cry, if it came to that, alone.” paragraph 2).
Beauty is something discussed in the course of the story as well. There was this standard of being called beautiful ever since then. The author wrote “… she would have liked to see a splash of vermillion on her cheeks like what she saw on the glowing gorgeous women walking about the streets in that slow graceful walk that hardly stirred the dust of the city but drew long whistles from the men…” Creating a facade was considered good. Being someone else was the thing you opt for if you want society to see your beauty. It’s just like saying that it is natural for all of us to wear masks.

Finally, I can say that this story is a great read. It is definitely one of the best short Filipino stories there is. Truly, we must be proud of such authors who spun eternal tales albeit forgotten by today’s generation. They are indeed sources of inspiration and morals that we would be able to live through with in our lifetime.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...